Nung nakaraang lunes ng February 6, 2012, lumindol sa Negros at Cebu sa lakas ng M6.7. Sa sobrang lakas, nababahala na ang mga tao na baka nga raw magka Tsunami. Pero salamat sa Diyos at hindi nya hinayaang mangyari. Ito ay isang kalamidad na naman sa mundo at lalo na sa ating bansa na hindi natin inaasahang mangyari. Sabi nila, senyales na DAW ng katapusan na ng mundo.

Photo Credit: Geology.com
Pero hindi jan sa kalamidad na yan ako na windang ng husto. Isang kalamidad sa isang social networking site na Facebook may kumakalat at dahilan ng pagiinit ng ulo ng mga kababayang BISAYA. Hindi lang sa facebook kundi sa iba’t ibang website. Para sa akin, ayoko siyang husgahan kasi nga baka hindi ko alam na, na HACK ung account nya at sinisiraan sya o di kaya’y may gumamit lang ng pangalan nya na kaaway o kagalit nya. Pero nakakaiinit nga naman ng ulo eh!

"di bale ng mamatay na baduy, keysa mabuhay na may ugaling baboy"
Ito ung una kong nabasa sa Facebook na ikakatayo ng iyung balahibo sa ilong.
at oo, napacomment ako dun: “di bale ng mamatay na baduy, keysa mabuhay na may ugaling baboy”.
Ayun sa isang blog, ”Gladys Lumantes Delos Santos a.k.a Ahcee Flores” daw ang totoo nyang pangalan. At may iba naman na hinahanap ung contact number nya, OO merun nga. (Pero hindi ko alam anu number nya)
Sa sobrang galit ng iba, gumawa na sila Facebook page.

Mga comments nya sa Yahoo
Sinu nga naman ang hindi magagalit sa pinagsasabi nya. Ewan ko lang kung siya man ito, ito ba ung paraan para sumikat sya?
at mag curse para maging issue lang sya sa kung saan saang social network? Pero parang hindi lang itong topic na ito ang kumakalat dati sa Facebook, ang daming panira na comment at may mga picture pang kasama nila.
Hayst! Siguro ‘wag nalang nating hayaan sumikip ang dib-dib natin, dahil hindi sya ang ma-ha-highblood, magkaroon ng wrinkles at tumanda ng maaga.
Hindi ko rin gusto ung mga sinasabi nya, pero huwag nalang patulan ang mga panget na sinasabi niya kasi alam naman nating lahat na ang Diyos lang may hawak sa mundo.
Magtulong tulong nalang tayung mag-Dasal.

luvly